Vax data ililipat ng DICT sa VaxCertPH

Vax data ililipat ng DICT sa VaxCertPH

February 18, 2022 @ 10:33 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ia-upload nito ang mahalagang bilang ng vaccination data mula sa local government units (LGUs) sa kanilang database sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DICT Acting Secretary Emmanuel Caintic na nakapag-upload na ang LGUs ng kanilang 70% hanggang 80% ng immunization data sa VaxCertPH.

“We’re optimistic in three to four months’ time aakyat ‘yan [it will rise] to 90%,” ayon kay Caintic.

Sinabi nito na kailangan ng ahensiya na i-upgrade ang VaxCertPH para maisama ang booster shot vaccination status ng isang indibiduwal.

” As well as conform with security features set by World Health Organization member countries that utilize a centralized vaccination database system,” aniya pa rin.

Nauna nang pinayuhan ng DICT ang mga nakakuha ng VaxCertPH bago pa ang Pebrero 7 na muling mag- apply dahil hindi na scannable ang QR codes sa mga lumang sertipiko.

Sinabi pa ni Caintic na 39 bansa ay maaaring i-scan ang VaxCertPH sa kanilang points of entry.

Kabilang na rito Estados Unidos, Australia, Canada, South Korea, Singapore, at Japan.

Ang aplikasyon para sa vaccine certificate ay maaaring i-accessed sa https://vaxcert.doh.gov.ph/.

Sinabi ni Caintic na ang VaxCertPH ay maaari ring gamitin para sa domestic travel at para sa pagpasok sa mga lokal na establisimyento gayundin ang pagkilala sa LGU-issued vaccination cards. Kris Jose