Vax hesitancy ng mga Muslim, lalabanan ng info drive – Galvez

Vax hesitancy ng mga Muslim, lalabanan ng info drive – Galvez

February 18, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Importante ang pagsasagawa ng information drive sa ilang Muslim community na hanggang ngayon ay tumatanggi sa COVID-19 vaccine dahil sa kanilang paniniwala.

Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nagpunta siya sa Sumisip, Basilan para hikayatin ang Muslim community doon na magpabakuna laban sa COVID-19

“Ang importante po talaga yung tinatawag na information drive kasi karamihan nga po yung iba nga po parang magiging zombie pagnabakunahan sabi nga ng iba. So pero ang gusto kong paunawa sa ating mga Muslim brothers, actually kami ang nag-usap ni chief minister. Si chief minister nabakunahan na po ng booster yan, ng Pfizer kasama po yung kanyang asawa,” ayon kay Galvez.

“Pinaunawa ko po sa kanila maraming inyo ang nag-OFW hindi po kayo makakaalis hangga’t hindi vaccinated. Pangalawa, hindi kayo makapag Hajj kung hindi kayo vaccinated kasi yung mga countries na ano kailangan mayroon tayong vaccine certificate,” dagdag na pahayag nito.

Ang Hajj ay itinuturing na “key pillar” ng Islam na isang annual pilgrimage ng Muslims sa Mecca, Saudi Arabia.

Ang pahayag na Ito ni Galvez ay tugon sa tanong kung ano ang solusyon ng pamahalaan sa gitna ng vaccine hesitancy ng ilang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) communities dahil sa kanilang kultura at paniniwala. Kris Jose