Vax procurement docs ipapasa na ng DOH sa COA

Vax procurement docs ipapasa na ng DOH sa COA

December 14, 2022 @ 4:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isusumite na ng Department of Health (DOH) sa Commission on Audit (COA) ang lahat ng dokumento kaugnay sa pagbili ng gobyerno ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Senate blue ribbon committee hearing sa umano’y pagtanggi ng DOH na ilabas ang detalye ng vaccine procurement contracts sa pagdadahipan ng di-umano’y umiiral na Non-Disclosure Agreement (NDA).

Sa pagdinig, iginiit ni Committee Chairperson Senator Francis Tolentino sa DOH na magbigay ng petsa kung kailan nila isusumite ang mga dokumentong magbibigay-daan sa COA na simulan ang audit sa pagkuha ng bakuna.

Bilang tugon, sinabi ni Vergeire na inihahanda na ng DOH at ito ay isusumite sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Vergeire na ang pahayag ng COA na humihiling ng mga dokumento ay magsisilbing batayan para sa kahilingan na ibunyag ang mga detalye ng mga kontrata ng bakuna dahil ang pagdinig sa Senado ay isang official proceeding. Jocelyn Tabangcura-Domenden