Vax requirement sa mga guro sa in-person classes ‘di diskriminasyon – DepEd

Vax requirement sa mga guro sa in-person classes ‘di diskriminasyon – DepEd

January 20, 2022 @ 11:07 AM 7 months ago


Manila, Philippines — Nilinaw na hindi diskriminasyon ang requirement na dapat ay bakunado laban sa COVID ang mga guro at iba pang personnel kung dadalo sa “face-to-face” o in-person classes, batay sa Department of Education (DepEd).

Depensa ng departamento, ito ay polisiya at pagtugon sa protocol ng gobyerno.

“Requiring employees who work on-site, including teaching and non-teaching personnel involved in face-to-face classes and in-school activities, to be vaccinated is being implemented as a way of preventing the spread of COVID-19 in schools and DepEd offices to protect learners, clients, and employees to the extent possible,” paliwanag ng DepEd.

“The said policy does not and is not intended to unjustly discriminate against any DepEd employee who chooses not to be vaccinated.”

Habang obligado pa rin namang magtrabaho ang mga hindi bakunadong empleyado at makatatatanggap pa rin ng kompensasyon.

Sinabing hindi rin sila basta tatanggalin sa trabaho dahil lamang sa hindi bakunado. RNT/FGDC