VaxCertPH ‘fully implemented’ na sa Oktubre – DICT

VaxCertPH ‘fully implemented’ na sa Oktubre – DICT

August 27, 2021 @ 5:59 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng opisyal mula sa Department of Information and Communications Technology na buong maipatutupad ang VaxCertPH para sa overseas Filipino workers sa Metro Manila at iba pang lugar sa Oktubre.

“By October, ‘yung VaxCert will be fully-implemented at least for OFWs and in NCR?” tanong ni Batanes Representative Ciriaco Gato Jr. sa congressional inquiry.

“Yes, even outside NCR,” tugon ni DICT Undersecretary Emmanuel Caintic.

paglilinaw ni Caintic, magsasagawa lamang ng ‘dry-run’ sa OFWs na tatagal lamang ng ilang linggo.

“We will dry-run on NCR and specifically for OFWs po muna,” punto ni Caintic.

“Para lang po maperfect ‘yung processes, not the system.”

Samantala, patuloy naman ang panghihikayat ng DICT sa local government units na magsumite ng listahan ng mga pangalang bakunado na laban sa COVID.

Sa ngayon, naiturok na ang kabuuang 31,099,893 dose ng COVID-19 vaccines, batay sa DICT. RNT/FGDC