Vaxx certificates ng Morocco, Kenya, Serbia oks na sa IATF

Vaxx certificates ng Morocco, Kenya, Serbia oks na sa IATF

May 15, 2022 @ 10:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Tinatanggap na ngayon ng Pilipinas ang national coronavirus disease (COVID-19) vaccine certificates ng Morocco, Kenya, at Serbia.

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang “acceptance and recognition” ng sertipikasyon ng tatlong bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, ang mga byahero mula Morocco, Kenya, and Serbia ay maaaring magpresenta ng COVID-19 vaccination certificates para sa arrival quarantine protocols, at maging para sa interzonal o intrazonal movement.

“This is in addition to other countries/territories/jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF has already approved for recognition in the Philippines, and without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers,” ayon Kay Andanar..

Ani Andanar, inatasan ng IATF-EID ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation’s One-Stop-Shop, at Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang “proofs of vaccination” na inaprubahan ng IATF.

Sa ngayon, kinikilala lamang ng Pilipinas ang vaccination certificates ng mahigit sa 70 countries, territories, at jurisdictions.

Maliban sa National COVID-19 vaccination certificates, tinatanggap din ng Pilipinas ang World Health Organization International Certificate of Vaccination and Prophylaxis, VaxCertPH, national o state digital certificate ng foreign country na tinatanggap ng VaxCertPH, at iba pang proofs of vaccination na may awtorisasyon ng IATF-EID.

Ang mga foreign traveler ay maaaring pumasok ng bansa kahit wala ang entry exemption document, kailangan lamang na i-comply ng mga Ito ang applicable visa requirements at immigration entry at departure formalities.

“They must also have passports valid for at least six months at the time of their arrival, as well as valid tickets for their return journey to the port of origin or next port of destination not later than 30 days from the date of arrival,” ayon Kay Andanar.

Bago pa sila dumating sa bansa, kailangan na makapag- secure ang mga Ito ng travel insurance para sa COVID-19 treatment costs mula sa reputable insurance providers, na may minimum coverage na USD 35,000 para sa panahon ng kanilang pananatili sa bansa.

Ang mga dayuhan na mabibigong mag- comply sa mga kondisyon at rekisitos na itinakda ng IATF-EID ay ide-deny ang admission at kailangan na i- subject sa “appropriate exclusion proceedings.” Kris Jose