VCMs, ballot boxes idi-dispatch na!

VCMs, ballot boxes idi-dispatch na!

April 1, 2022 @ 5:38 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Sisimulan nang ibiyahe ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines at ibang automated election system (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa mamayang hatinggabi, Abril 2.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, dadalhin ang mga VCM at mga ballot boxes sa mga warehouse na tinukoy bilang transit points.

“Loading started today, loading of the trucks that will be delivering the AES equipment and supplies to various locations nationwide,” ani Jimenez.

“So we’re starting the loading now. We expect it to be completed by around midnight tonight and then we will dispatch these trucks.”

Dagdag niya, magpapatuloy ang pagde-deliver sa mga warehouse sa unang dalawang linggo ng Abril.

Ayon pa kay Jimenez, inimbitahan din ni Comelec chairperson Saidamen Pangarungan ang mga political party, stakeholders, at media upang saksihan ang pagsasara sa mga trak na maghahatid ng AES supplies. RNT/ JCM