VCMs ‘wag na gamitin sa sunod na eleksyon – komisyuner

VCMs ‘wag na gamitin sa sunod na eleksyon – komisyuner

May 9, 2022 @ 7:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi na maaring gamitin sa susunod na halalan ang mga vote counting machines (VCMs) na ginamit ngayong national at local elections.

Sinabi ni Commissioner Marlon Casquejo ,mahigit 100,000 VCMs ang luma at kailangang mapalitan simula sa 2025 midterm elections.

“I think this is the last dance of our VCMs. We will no longer use it in the 2025 elections. Even if we say that only a small budget will be given in 2025, but we will insist we would not use these VCMs anymore for the succeeding elections,” sabi ni Casquejo sa press briefing sa Philippine International Convention Center Forum Tent sa Pasay City.

Kahit sa ilalim aniya ng COA (Commission on Audit) rules, limang taon lang ang lifespan ng mga technical machine. Ang mga makinang ito aniya ay malapit na sa siyam na taon .

Dagdag pa ni Casquejo, ang naturang mga makina ay magagamit pa para sa iba pang mga layunin, tulad ng pagsuri sa mga resulta ng pagsusuri sa Professional Regulation Commission.

Unang ginamit ang mga VCMs noong 2016 national at local elections.

Ipinatupad ang automated election noong 2010 gamit ang precinct counting optical scan machines na ginamit din noong 2013. Jocelyn Tabangcura-Domenden