VCO kumpirmadong nakababawas ng COVID symptoms – DOST

VCO kumpirmadong nakababawas ng COVID symptoms – DOST

January 24, 2022 @ 5:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Lumalabas sa dalawang pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na nakababawas ang virgin coconut oil (VCO) ng sintomas ng mild at moderate coronavirus disease (COVID-19) cases.

“We have completed the study a year ago in Sta. Rosa, [Laguna] regarding the people with symptoms who come to the quarantine centers and actually not all of those who have symptoms turned positive but they were still included in the trials,” ani DOST Secretary Fortunato “Boy” de la Peña sa taped report.

“Yung participants sa Sta. Rosa, blinded trial yun, so hindi nila alam kung sila ay nasa control group or sila ay nasa VCO group. Dun sa Valenzuela, alam nila na sila ay umiinom ng VCO.”

Sa ikalawang pag-aaral na isinagawa sa Valenzuela City, ang lahat ng lumahok na nasa 77 ay positibo sa COVID sa reverse-transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) bago pa ang trial.

“Ang kagandahan nito, na-confirm lang yung una nating findings sa Sta. Rosa na napapaaga ang resolution of symptoms dun sa mga nag-take ng VCO.”

Samantala sa pag-aaral sa Sta. Rosa, inilagay ang VCO sa kanilang pagkain at walang karagdagang gamot. RNT/FGDC