VCO, lagundi makatutulong sa mild COVID — study

VCO, lagundi makatutulong sa mild COVID — study

January 22, 2022 @ 11:50 AM 9 months ago


Manila, Philippines – Lumabas sa pag-aaral ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na ang pag-inom ng virgin coconut oil (VCO) ay makatutulong sa mga pasyenteng may mild COVID na makarekober.

Paglilinaw ng ahensya, hindi pamalit ang VCO sa COVID-19 medicines.

Sa ulat, sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevara na walang eksaktong sukat o kaya naman ay bilang ng dahon sa paghahanda ng medicinal broth.

“Maybe you have the right lagundi, pero environment – kung saan siya tumubo – at ýung klima at iba pang mga natural factors po nade-determine kung ano ýung kalidad ng lagundi na makukuha niyo,” paliwanag ni DOST-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya.

Sa pag-aaral ng DOST-FNRI, mas mabilis ang paggaling ng mild COVID-19 pagkainom ng virgin coconut oil o VCO.

“VCO can be an effective adjunct therapy in managing COVID-19 signs and symptoms, whether mixed in nutritious meals or taken separately,” lahad naman ni DOST Secretary Fortunato dela Peña. RNT/FGDC