Vegetable Okoy Ok sa panaghalian

Vegetable Okoy Ok sa panaghalian

August 5, 2020 @ 11:50 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Trip niyo ba ang karne pero kailangan niyong maging healthy? aba’y subukan na ang Okoy gamit ang puso ng saging sa pananghalian.

Pero bago ang lahat mga repa, alam niyo ba na ang puso ng saging ay nakakatulong din sa pagpapagaling ng mga sakit tulad ng anemia at hypertension.

Bukod dito ay siksik din ito sa mga bitamina tulad ng Vitamin A, Vitamin C, Vitamin E, amino acids, calcium, magnesium, sodium at potassium.

Oh diba sakto talaga ito sa panahon ngayon! balik na tayo mga repa sa pagluluto ng Okoy.

Ihanda lang ang mga sumusunod na sangkap;

-½ Cup Puso ng Saging hiniwa sa maninipis na strips
– 1 Cup ginadgad na kamote
– ¼ Cup ginadgad na Carrots
– ½ Cup harina
– ¼ Cup Corn Starch
– 1 Pc itlog
– 1/3 Cup Water
– 1 Tbsp Patis
– 2 Cloves Garlic (Minced)
– Salt
– Pepper

Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap sa isang malaking bowl at pagkatapos ay ihanda ang kawali na may kumukulong mantika.

Gumamit ng kutsara, iprito ang okoy mixture at hintaying maluto hanggang sa maging golden brown.

Patuyuin ang mantika saka ilagay ang asin at paminta saka ihain kasama ng sweet and spicy sauce o suka.

Ready na para sa tanghalian ang Okoy at siguradong kagigiliwan ng mga tsikiting. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...