Vehicle inspection policy, roadworthiness checks dinepensahan ng DOTr, LTO

Vehicle inspection policy, roadworthiness checks dinepensahan ng DOTr, LTO

January 30, 2021 @ 9:57 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Dumepensa ang mga awtoridad pangtransportasyon sa operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVICs at sinabing para ito sa kaligtasan ng mga motorista.

Ano ba ang pine-prevent natin dito, by requiring the roadworthiness? Iniiwasan natin ‘yung mga nangyayari na kung saan may mga road crashes na nagre-resulta sa serious physical injuries,” tugon ni Land Transportation Office chief Edgar Galvante sa CNN Philippines sa mga kritiko.

Itong measure na ito, makakatulong nang malaki para ma-reduce itong casualties coming out of vehicles na involved in accidents, dahil sa hindi ito roadworthy ika nga,” he pointed out. “Kaya isang measure ito na sa palagay ng DOTr at LTO, hindi pwedeng [ipagpaliban].”

Naunang sinabi ng LTO na ang sasakyan ng motorista ay kailangang dumaan sa regular tests sa accredited PMVICs para sa renewal ng registration na nagkakahalaga ng P600 hanggang P1,800.

Idinaing naman ito ng ilang mga organisasyon.

Para naman kay DOTr road sector consultant Bert Suansing, ang naturang polisiya ay magpapatiyak sa mga sasakyan na ‘suitable’ ito sa kalsada. RNT/FGDC