Velasco nakiramay sa PAF, Modernisasyon ng isusulong

Velasco nakiramay sa PAF, Modernisasyon ng isusulong

July 6, 2021 @ 11:52 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso sa  Sandatahang Lakas ng Pilipinas na magsagawa ng masusing pagsisiyasat sa nangyaring pagbagsak ng C-130 sa Sulu na ikinasawi ng 52 katao.

Nais ni House Speaker Lord Allan Velasco na matiyak na nasunod ang  mga protocol ng mga piloto ng Philippine Air Force (PAF) maging ang pagtiyak na ligtas ang mga daraanan ng eroplano sa buong bansa, lalo na sa mga lalawigan.

“We acknowledge the importance of our uniformed personnel, as our dear President Duterte himself has done so several times. The least we can do is to ensure that this never happens again,”ani Velasco.

Nangako si Velasco na tutulong ang Kamara na mapalitan ng PAF ang nawalang C-130 at suportahan ang pagsisikap nito na mapabuti at gawing moderno ang kanilang armada.

Kasama sana sa pambansang badyet ng 2021 ng Kongreso ang pagbili ng mga karagdagang C-130, subalit kinapos na sa panahon upang mapag-usapan pa ang modernisasyon ng armada ng PAF, nang pumalit bilang Speaker si Velasco noong Oktubre ng nakaraang taon.

Kasalalukuyang suspendido ang sesyon ng Kongreso noong mga panahong iyon at kinailangan pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpatawag ng isang espesyal na sesyon upang maiwasan ang muling pagpapasa ng isang re-enacted na pambansang badyet sa 2020.

Kinailangan din ni Velasco na pumalit bilang Speaker habang tinatalakay sa plenaryo ang pambansang badyet, ng ibayong pagsisikap upang maipasa ang 2021 General Appropriations Bill.

“I can only give my word that we in the House of Representatives will include in the 2022 budget the modernization of the PAF’s fleet as well as ensure the proper training of personnel in handling modern equipment,”

Nauna rito ay nagpahayag ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng mga yumaong lulan nang bumagsak na sasakyang panghimpapawid ng Philippine Air Force (PAF) na C-130 sa Jolo noong ika-4 ng Hulyo si Velasco.

“There are simply no words that can be said to console those left behind by our brave military personnel, as well as the three civilians who died as a result of this disaster,” dagdag pa ni Velasco.

Sa kasalukuyang mga ulat, abot na sa 52 katao ang namatay nang sumablay sa paglapag sa Jolo ang eroplanong C-130 ng military, na magdadala sana ng mga tropa mula sa Lungsod ng Cagayan de Oro patungo sa lalawigan ng Sulu, nang ito ay bumagsak sa  Patikul.

Ang nasabing sasakyang panghimpapawid ay may lulan na 90 tropa at tauhan. Limang tauhan ng militar ang hindi pa rin natatagpuan. Meliza Maluntag