Velasco umapela kay PRRD sa usapin ng face shield

Velasco umapela kay PRRD sa usapin ng face shield

September 21, 2021 @ 7:39 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte si  House  Speaker Lord Allan Velasco na ikunsidera ang tuntuning ukol sa pagsusuot ng plastic face shields bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Sa kaniyang sulat sa pangulo at binigyan din ng kopya si Health Secretary Francisco Duque III ay binigyang diin ni Velasco  na ang sapilitang pagpapasuot sa face shield ay nakakadagdag ng gastusin sa mga Pilipino na matagal ng hirap dahil sa pandemya.

“May I humbly and respectfully recommend that the COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) and the Department of Health both under the Executive Department reconsider the mandatory use of plastic face shields for the general public (under IATF Resolution No. 88 and Joint Memorandum Circular 2021-0001 on the Clarificatory Guidelines on the Mandatory Use of Face Shields Outside of Residence for COVID-19 Mitigation, respectively) when going out of their homes or indoors, including in malls, commercial establishments, and public transportation,” sa kaniyang sulat sa pangulo.

Kinuwestyon din ng mambabatas ang kawalan ng solidong  at matibay na medical proof na ang paggamit ng face shield ay epektibo upang makaiwas sa pagkahawa ng nakamamatay na coronavirus.

“The use of face shields has made little difference in protecting against the transmission of COVID-19 over the proper use of masks alone, and imposes an additional burden to poor Filipino families already reeling from the adverse effect of the pandemic on their livelihood,” dagdag pa ni Velasco.

Tinukoy pa ng kongresista ang COVID-19 Low Income Household Panel and Economic (HOPE) survey na inilunsad ng World Bank at suportado ng Australian government kung saan ipinakita na lalong inilulubog ng pandemya ang may 18 miyong mahihirap na pamilya o ang 70 porciento ng populasyon na karamihan ay nasa rural areas sa Visayas at Mindanao.

Aniya, lumabas din sa resulta ng HOPE survey na ang 56 porciento ng mga pamilyang Pilipino ay wala ng makain.

“COVID-19 has worsened hunger among Filipinos. The cost of a face shield of about P20 to P50 is already a substantial amount equivalent to the cost of a meal for these poor Filipinos, and mandatory requirement of the same takes away money for food from these families,” sinabi pa ni Velasco.

Kahit aniya ang World Health Organization at ang United States Center for Disease Control and Prevention (CDC) ay nagrekomenda na gumamit ng proteksyon sa mata gaya ng goggles at face shields kung may direktang kontak sa mga pasyenteng may  COVID-19.

“The rest of the world universally considers the following as effective interventions to prevent the spread of COVID-19: proper wearing of face masks, regularly washing or disinfecting of hands or high-touch surfaces, and ensuring proper ventilation in indoor spaces.Please reconsider our current policy that requires our poor kababayans to buy and wear a piece of plastic shield over their already masked faces ,” dagdag pa ni Velasco. (Meliza Maluntag)


  •  
  •  
  •