Vendor na wanted sa rape timbog sa manhunt ops

Vendor na wanted sa rape timbog sa manhunt ops

November 27, 2022 @ 4:40 PM 2 months ago


Bulacan – Arestado ang isang 34 anyos na lalaking vendor na umanoy wanted sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang wanted na si John Rey Echipare, residente ng Brgy. San Jose.

Sa report, nahuli ang wanted sa kanyang lungga sa bisa ng warrant na isinilbi ng tracker team ng Sta. Maria police nitong Nobyembre 26.

Napagalamang si Echipare ay wanted sa kasong rape na inisyu kamakailan ng RTC Br. 82, Malolos City na walang inirekomendang walang piyansa. Dick Mirasol III