Vendors ng Divisoria Public Market, umaasang ‘di aalisan ng kabuhayan

Vendors ng Divisoria Public Market, umaasang ‘di aalisan ng kabuhayan

April 11, 2022 @ 1:36 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na umaasa ang mga vendors ng Divisoria Public Market na hindi sila aalisan ng kabuhayan matapos ibenta ang patrimonial property o heritage ng Manila sa isang pribadong kompanya.

Batay sa Deeds of Absolute Sale, sa pagitan nina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at George Chua, Chairman ng Festina Holdings Corporation na October 16, 2020 ang naging petsa ng bentahan ng naturang lugar.

Ayon kay Emmanuel Plaza, Chairman-Paralegal Services ng Divisoria Public Market Credit Coopertive, na ang bawat isa sa kanilang vendor ay nagbabayad ng P8,000.00 sa mayors permit at P50/day or 1500/months or P18,000.00 per year. At ang kabuuang binabayad ng mga manininda bawat tindahan umaabot ng P26,000.00 bawat taon sa city hall.

Ang sukat ng bawat tindahan mayroon 2.25 square meters. Ang ibig sabihin naibenta ang bawat tindahan sa halagang P29,500.00 pesos lamang. Sinabi pa ni Plaza na ang P26,000.00 na collection ng city hall sa mga manininda taon-taon, pinagpalit sa halagang P29.500.00 na bentahan ng bawat puwesto.

Nagkabayaran sa cityhall noong October 16, 2020 at nalaman lamang ng mga vendors 25 days nang naibenta ang palengke noon November 11, 2020.

Ipinahayag pa ni Plaza, na nagawang mangutang ng Pamahalaang lungsod ng P15 bilyon at inilaan ang P1.7 bilyon para lang sa pagpapaganda ng Manila Zoo sa panahon ng pandemya.

Nalungkot ang maraming manininda sa naging hakbang ng kasalukuyang administrasyon sa Maynila dahil mas pinahalagahan pa ang mga ‘hayop’ sa Manila Zoo, at hindi tinignan ang maraming magugutom na pamilya ng mga vendors sa Divisoria market.

Kaugnay nito, pinabulaanan ni Plaza, ang mga naging akusasyon ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan laban sa kanya nang kapanayamin ang huli sa Manila Bulletin Hot Seat Online, kamakailan at pilit lamang inililigaw ang tunay na nangyayari. RNT