‘Venom’ movie sequeal release naantala sa COVID

‘Venom’ movie sequeal release naantala sa COVID

August 13, 2021 @ 8:10 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

US – Naantala ang pagpapalabas ng superhero sequel na “Venom: Let There Be Carnage” dahil sa panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa  United States.

Ayon sa Sony Pictures sa pamamagitan ng email, sinabi na ang pelikulang pinagbibidahan ni Tom Hardy na ‘Venom’ ay ipapalabas sa Oktubre 15 sa halip na Setyembre 24.

Ito ay dahil sa bagong Delta variant kung saan tumaas muli ang kaso ng sakit sa United States, dahilan upang mabahala sila sa kaligtasan ng mga manonood sa sinehan.

Taong 2018, kumita ng mahigit  $850 milyon sa global box offices ang orihinal na pelikula ng “Venom.”RNT/Yna de Luna-trainee


  •  
  •  
  •