Venus Raj, nag-kwento sa kanyang ‘first time’!

Venus Raj, nag-kwento sa kanyang ‘first time’!

January 27, 2022 @ 9:55 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Umamin si Venus Raj, ang Bb. Pilipinas na naging 4th runner-up sa Miss Universe 2010, na ang isang “major major” na pagkakamali n’ya sa buhay ay “compromising my purity” nu’ng 16 years old pa lang siya.

Isinuko raw n’ya ang kanyang puri sa boyfriend n’yang 28 years old na.

Ginawa ni Venus ang pagtatapat tungkol sa unang karanasan n’ya sa sex sa interbyu sa kanya ni Toni Gonzaga sa “Toni Talks” noong January 23.

May personal na hugot si Venus na dahil lumaki siya nang hindi nakilala kung sino ang tunay niyang ama kaya’t sinubukan niyang punan iyon sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa mas may edad sa kanya.

Karamihan umano sa naging boyfriend n’ya noon ay mas matanda sa kanya ng maraming taon.

Sa Instagram post n’ya nu’ng January 24, ibinahagi ni Venus ang screenshot ng headlines ng dalawang digital news sites tungkol sa “madilim” n’yang nakaraan na “major major mistake.”

Sa halip daw na magpokus sa aral na natutunan niya sa first heartbreak, sinisi pa siya ng ibang netizens. (Nakabuntis ng iba ang boyfriend n’yang ‘yon, kaya sila nag-break.)

Binigyang-diin muli ni Venus na hindi niya hinayaang malugmok siya sa kanyang pagkakamali noon.

Thirty-three years old na siya ngayon.

Abala siya  sa panahong ito sa pakikipag-ugnayan sa Christian missionaries, pagiging community volunteer, at youth advocate. Nagtapos siya sa Oxford Center for Christian Apologetics sa Oxford, England.

Payo ni Venus sa mga kapwa n’ya babae: “Your past does not define you. Your future is ahead of you, not behind you… when you run to God, He embraces you, forgives you, and gives you a new life, and a new identity in Him.

“He loves you despite the cracks.”

Pitong taon na raw siyang walang boyfriend. Masaya naman daw siya at buo ang tingin n’ya sa sarili kahit wala siyang boyfriend.

Siya nga pala, ang ekspresyong “major major” ay sumikat dahil sa paggamit nito ni Venus sa pagsagot sa question-and-answer portion ng beauty pageant. Danny Vibas