Vergeire ‘di apektado sa tenure deadline ng OICs

Vergeire ‘di apektado sa tenure deadline ng OICs

December 14, 2022 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi mailalapat kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang memorandum circular ng Malacañang sa deadline ng panunungkulan ng officer-in-charge sa mga executive agencies.

Sinabi ni Vergeire, ang OIC ng DOH mula noong Hulyo 14, na siya ay isang career executive at ang circular ay para lamang sa mga non-career executive service officials (Ceso) na may posisyon sa CES kaya naman hindi siya napapailalim sa circular.

Pagtitiyak ng ahensya, secured ang panunungkulan ni Vergeire sa DOH.

“I am not part or I am not affected by the memorandum circular because I am a career executive. This memorandum circular coming from the Office of the President … applies only for those non-Cesos occupying Ceso position and since I am a career executive, I am not affected by that,” saad ni Vergeire sa press briefing.

Ipinunto din ni Vergeire na ang memorandum para sa kanyang OIC post ay hindi partikular na nagsasaad ng deadline o timeline.

“The memorandum issued by the Office of the President when I became OIC last July 14 of this year, did not state any deadline or timeline as to when I will be an OIC. It specifically stated, ‘this grant of authority shall take effect immediately and until a Secretary of Health has been duly appointed or unless this grant of authority is sooner revoked,’ but there was no timeline, for example, until December 31,” sabi pa ng opisyal.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring itinatalaga si President Ferdinand Marcos Jr na bagong Kalihim ng DOH.

Sinabi ng Pangulo na magtatalaga lamang siya ng DOH Secretary sa sandaling bumuti na at maging normal na ang sitwasyon sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden