Vergeire, DOH spox pa rin; bagong NVOC chief itinalaga na

Vergeire, DOH spox pa rin; bagong NVOC chief itinalaga na

July 21, 2022 @ 8:47 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na mayroong bagong itinalaga na mamumuno sa National Vaccination Operations Center (NVOC).

Sa media forum sa tanggapan ng DOH, sinabi ni Vergeire na ito ay sa katauhan ni Health Assistant Secretary Dr. Nestor Santiago.

Aniya si Santiago na ang incident manager ng  NVOC, pero kailangan pa rin nitong direktang mag-report sa kanya.

“He is part of our field and implementation coordination team. Kasama po natin siya. He is part of our executive committee officials. He is very much capable at saka eksperto po siya sa operations”, sabi ni Vergeire.

Dagdag pa niya, siya pa rin ang mangangasiwa sa mga operasyon at kung anumang mga targets pa ang kailangan para sa policy directions at decision making.

Si Vergeire ang dating numumuno ng NVOC matapos siyang italaga ni dating Health Sec. Francisco Duque III kung saan pinalitan naman niya si dating chairperson Myrna Cabotaje noong Hunyo 30.

Sinabi rin ni Vergeire na hiniling sa kanya ng Office of the President na manatili siya sa kanyang puwesto nilang tagapagsalita ng DOH havang nagsisilbi rin bilang OIC.

Aniya dahil sa dami ng trabaho, sinabi ng opisyal na kanya namang itinalaga si Health Promotion Bureau Director Dr. Beverly Lorraine Ho bilang assistant spokesperson ng  DOH.

“Kapag hindi ako available, she will do the task for us so we can continuously inform the public,” ani Vergeire .

Nauna nang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na maaaring mapalawig ang termino ni Vergeire bilang OIC kung hindi pa nakapili ng DOH chief ang administrasyon sa katapusan ng buwan, alinsunod sa Memorandum Circular No. Jocelyn Tabangcura-Domenden