Vergeire: ‘Prioritization list’ sa COVID vaccination inalis na

Vergeire: ‘Prioritization list’ sa COVID vaccination inalis na

August 6, 2022 @ 9:15 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Ipinaliwanag ni DOH officer-in charge Usec. Maria Rosario Vergeire na wala nang “prioritization list” ngayon pagdating sa pagbibigay ng COVID-19 vaccine.

Ang pahayag ni Vergeire ay sa harap ng panawagan ng ilang mambabatas na i-abolish ang prioritization list upang maiwasan ang vaccine ‘wastage’.

Ayon kay Vergeire, layunin aniya ng prioritization noon ay dahil hindi pa sapat ang bakuna nang magsimula ang pagbabakuna noong Marso.

“Siguro po mga third quarter ng 2021 pinapatupad natin ang prioritization kasi hindi pa ganun kadami ang acting pagbabakuna – ang ating bakunang suplay,” sabi ni Vergeire.

Ngayon aniya na may sapat nang suplay at ang mga suplay ay sapat hanggang sa katapusan ng taong ito, binigya- diin ni Vergeire na walang nang prioritization.

Dagdag pa ni Vergeire, lahat ng eligible population ngayon ay maari nang magpabakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden