Vergeire sa ‘di pa pagtatalaga ng DOH chief: ‘Di naman natin pwedeng tanungin

Vergeire sa ‘di pa pagtatalaga ng DOH chief: ‘Di naman natin pwedeng tanungin

July 8, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na hindi nararapat na tanungin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung bakit hindi pa rin niya itinalaga ang susunod na Kalihim ng ang Department of Health (DOH) sa kabila ng tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 at dengue sa bansa.

“Hindi naman natin pwede ring tanungin. It’s really inappropriate for us to ask the President why it’s taking long for him. Naiintindihan po natin ang proseso ng ating Presidente at ng kanilang mga opisyales doon na talagang mahirap talagang pumili ng ating mga opisyales dahil kailangan pong maging masusi ang pagpili kaya mas nagiging matagal pa,” sabi ni Vergeire sa DOH online briefing.

Hindi rin aniya inaasahan mula sa Pangulo na magpaliwanag sa mga opisyal ng DOH kung kailan ito magsasabi at magtatalaga ng bagong SOH.

“Klaro naman po na meron siyang pinalabas, ang kanilang opisina na MC [memorandum circular], ‘yung circular number 1, kung saan nakalagay na doon kung ano ang dapat gawin ng bawat ahensya saka-sakaling wala pa silang appointed official,” ayon pa kay Vergeire.

“Vacancy in the heads of departments, offices, agencies and bureaus where no replacement has been appointed or designated, shall be filled up by the next-in-rank and most senior official as Officer-in-Charge (OIC).” ayon sa MC number 1

“The OIC shall perform the duties and discharge the responsibilities of the office until 31 July 2022, or until a replacement has been appointed or designated, whichever comes first,” saad pa

Nauna nang inihayag ng DOH na patuloy na ipapatupad ang kasalukuyang pandemic response protocols at lahat ay nanatiling status quo hanggang sabihin ng Pangulo kung sino ang susunod na DOH secretary.

Sinabi rin ng ahensya na ang mga aksyon sa pagtugon sa COVID-19 at non-COVID ng bansa ay nagpapatuloy sa pamamagitan ng mga matataas na opisyal ng DOH na nangangasiwa sa mga partikular na bureaus, opisina, at unit nito.

Base sa Department Personnel Order No. 2022-2357, sinabi ng DOH na si Undersecretary Lilibeth David ang mamumuno sa Health Policy & Systems Development Team at ang Health Facilities and Infrastructure Development Team; Undersecretary Abdullah Dumama sa Field Implementation & Coordination Team at Health Regulation Team; at Undersecretary Carolina Taino ang mamumuno ng Administration & Financial Management Team at Procurement & Supply Chain Management Team.

Samantala, si Vergeire ang nangangasiwa sa Public Health Services Team at Office of the Chief of Staff. Jocelyn Tabangcura-Domenden