Vergeire: Sunod na DOH chief, ‘di natalakay sa pulong kay PBBM

Vergeire: Sunod na DOH chief, ‘di natalakay sa pulong kay PBBM

December 6, 2022 @ 7:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa press briefing na hindi pa napapag-usapan kung sino ang magiging kalihim ng Kagawaran nang magkaroon sila ng pagpupulong kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Walang pinag-usapan na ganyan. Tuloy lang tayo sa pagtatrabaho since napag-atasan naman tayo na sabi naman niya ay magtutuluy-tuloy ako sa serbisyo hanggang sa makapili sila,” ani Vergeire.

Dagdag pa ni Vergeire, sinabi aniya ng Pangulo na tuloy lang ang trabaho at mag-focus sa mga isyu na may kinalaman sa pandemya.

“Sabi niya tapusin muna natin yung problema sa pandemya,” pagbabahagi niya. “Wala kaming pinag-usapan na ganyan kanina. It was a highly technical meeting with the DOH,” pahayag ni Vergeire.

Hindi rin aniya inialok sa kanya ang pagiging DOH secretary ngunit inamin na may reserbasyon sa pagtanggap nito.

Itinalaga si Vergeire bilang OIC ng Kagawaran noong Hulyo, ilang linggo matapos manumpa bilang Pangulo si Marcos. Jocelyn Tabangcura-Domenden