Vergeire target maglagay ng vaxx sites sa mga paaralan

Vergeire target maglagay ng vaxx sites sa mga paaralan

July 15, 2022 @ 3:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nais niyang maglagay ng vaccination sites sa mga paaralan upang palakasin ang COVID-19 prevention program ng gobyerno.

Si Vergeire, na itinalaga noong nakaraang buwan bilang head ng National Vaccination Operations Center, ay sinabing dapat maglagay ang gobyerno ng vaccination sites sa mga paaralan para mahikayat ang mga bata at magulang na magpabakuna.

Nauna niyang sinabi na ang mga vaccination site ay ilalagay din sa mga lugar ng trabaho, mga lugar ng pagsamba, at mga pampublikong pamilihan.

“Definitely the vaccine should not be a prerequisite to going to school. This would disenfranchise other children whose parents will not allow them to get the vaccine,” sabi ni Vergeire sa panayam ng ANC Headstart .

“What we need to do is we need to incentivize and encourage mothers, parents, guardians and for government to ensure there’s this safe environment for children when they get the vaccine.”

Nauna nang sinabi ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte na mananatiling may bisa ang mask mandates kapag nagsimula ang mga paaralan ng face-to-face classes sa huling bahagi ng taong ito.

Idinagdag niya na ang Kagawaran ng Edukasyon ay hindi gagawing mandatoryo ang pagbabakuna sa COVID, idinagdag na walang diskriminasyon para sa mga hindi nabakunahan na nag-aaral.

Nito lamang Huwebes itinalaga ng Pangulong Marcos Jr si Vergeire bilang OIC ng DOH ay kanya namang tinanggap upang maipagpatuloy aniya ang tungkulin at may mamumuno sa departamento

Sinabi rin ni Vergeire na prayoridad niya ang health benefits ng medical frontliners, COVID vaccination at pagtugon sa pandemya.

Sinabi rin nito na ang kanyang top 3 priorities ay ang COVID-19 vaccination sa bansa, pandemic response, at ang paglabas ng benepisyo ng healthcare workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden