Vergeire umaasa sa pagwawakas ng state of public health emergency sa COVID sa 2023

Vergeire umaasa sa pagwawakas ng state of public health emergency sa COVID sa 2023

December 19, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umaasa si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang state of public health emergency dahil sa COVID-19 na magtatapos sa susunod na taon.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag matapos sabihin ng World Health Organization (WHO) umaasa ito na hindi na magiging global health emergency sa isang punto sa 2023.

Hinimok din nito ang China na magbahagi ng impormasyon na maaaring matukoy kung paano nagsimula ang pandemya.

“Very hopeful tayo dahil nagbigay naman ang WHO ng ganitong deklarasyon. Pero kailangan maintindihan din ng ating mga kababayan na we still need to be very cautious dahil ang sabi nga ng WHO, titignan natin na makita pa rin natin talaga na patuloy na bumababa ang mga kaso ng mga kritikal at saka mga namamatay sa COVID-19,” sabi ni Vergeire sa isang radio interview.

Idineklara ang state of public health emergency sa Pilipinas noong March 2020, ang pagsisimula ng pandemya.

Sa kasalukuyang administrasyon, ang bansa ay nasa ilalim ng state of calamity hanggang Dec. 31,2022 dahil pa rin sa COVID-19.

Hinihiling ng DOH na maipasa ang panukalang magsisilbing batayan ng pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic kahit na matapos na ang deklarasyon ng state of calamity sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden