‘Very good’ pa rin sa SWS survey: Malakanyang, nagpasalamat

‘Very good’ pa rin sa SWS survey: Malakanyang, nagpasalamat

October 7, 2018 @ 1:16 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagpapasalamat ang Malakanyang sa sambayanang Filipino na patuloy na nasisiyahan sa Administrasyong Duterte.

Nananatili kasing nasa “very good” status ang performance rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahit na bumaba ito ng walong puntos sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa survey ng SWS, mula sa dating +58 ay nasa +50 na lamang ang performance rating ng Pangulong Duterte.

Aniya, patuloy ang mga hakbang na isinagawa ang pamahalaan, kasama na ang pag-angkat ng bigas at pagsibak ng mga ilang tauhan na may kinalaman sa pagkawala ng libo-libong sako ng bigas, para masolusyunan ang kakulungan ng suplay sa pamilihan na siyang nagpapataas ng presyo ng mga bilihin.

“As the survey shows, in what Social Weather Stations (SWS) calls its Governance Report Card, of the 14 specific subjects rated, we received the lowest rating in fighting inflation. Nonetheless, public satisfaction remains “very good” at +50 during the time when our people are feeling the hit of a faster inflation rate when the survey was conducted last September,” ani Sec. Roque.

Tiniyak ni Sec. Roque na doble-kayod ang administrasyong Duterte upang siguruhin na maging stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin laban sa epekto ng mataas na inflation ng bansa.

Sa ulat, ang SWS survey, na isinagawa noong September 15 hanggang 23 gamit ang 1,200 respondents, nasa 65 percent ng mga Pinoy ang nagsabing kuntento o “satisfied” sila sa kasalukuyang administrasyon.

Umaabot naman sa 19 porsyento ang “neither satisfied nor dissatisfied,” habang 15 porsyento ang “dissatisfied” sa general performance ng pamahalaan.

Gayunman, sa kabuuan, maliban sa pagiging “very good,” sinabi ng SWS na nananatili pa rin itong mataas.

Maaalalang noong Hunyo 2018, nasa +58 “very good” o 78 percent at 13 percent dissatisfied ang ratings.

Kaugnay nito, mula sa “excellent” ay bumaba sa “very good” ang net satisfaction rating ng Punong Ehekutibo sa Mindanao.

Samantalang sa balance of Luzon, naging “good” na lang ito mula sa dating “very good.”

Sang-ayon pa sa survey, sa hanay ng social classes, bumaba sa “good” mula sa “very good” ang ratings ng Presidente.

Nakakuha naman ng very good rating ang Pangulong Duterte sa ilang mga pangunahing isyu sa bansa, gaya ng:

Building and maintenance of public works (+66)
Helping the poor (+63)
Reconstructing Marawi City (+58)
Protecting human rights (+54)
Fighting terrorism (+53)

 

Nakapagtala naman ito ng “good” sa:

Fighting crimes (+43)
Reconciling with communist rebels (+42)
Reconciling with Muslim rebels (+41)
Foreign relations (+40)
Fulfilling commitments in international treaties (+40)
Defending Philippine sovereignty in West Philippine Sea (+39)
Eradicating graft and corruption (+38)

May “moderate” naman ang gobyerno sa “Ensuring that no family will ever be hungry (+23)”; at “neutral” sa “Fighting inflation (+8).” (Kris Jose)