‘Very good’ rating ng pangulo, welcome sa Malacañang

‘Very good’ rating ng pangulo, welcome sa Malacañang

August 6, 2018 @ 3:53 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Winelcome ng Malakanyang ang Second Quarter 2018 Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita na 72% ng adult Pinoy ang nasiyahan sa general performance ng Duterte administration.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, kahit wala aniya ang very good rating ng SWS ay nananatiling nakatuon ang pansin ng Pangulo para tuparin ang kanyang mga pangako sa taumbayan.

“Notwithstanding , this rating which SWS classified  as “very good”, the President  remains focused with his promise to the Filipino people and he has  rolled up his barong to fight drugs, criminality, and corruption and bring comfortable life for all Filipinos.”

Sa ulat, nananatili pa ring “very good” ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte sa second quarter ng 2018, ayon sa isinagawang survey ng SWS, kahapon (August 5).

Kapareho ng naunang rating sa first quarter ng taon, napanatili ng Pangulo ang +58 net satisfaction rating sa survey na isinagawa nitong June.

Napag-alaman din sa second-qaurter survey na 72% ng Pinoy ang “satisfied” sa kabuuang performance ng gobyerno, 15% ang “undecided,” habang 13% naman ang “dissatisfied.”

Napanatili ng Pangulo ang kaniyang net satisfaction rating mula March hanggang June 2018 dahil sa pagtaas ng net satisfaction sa Mindanao at Balance Luzon habang bumaba naman ang sa Metro Manila at Visayas.

Sa 1,200 na respondents na kinapanayam para sa survey, binigyan sila ng pagkakataon upang i-rate ang performance ng gobyerno sa iba’t ibang paksa.

Tumaas ang rating ng administrasyon mula “moderate” naging “very good” sa pagsusulong ng karapatan ng mga babae at tumaas rin mula “moderate” naging “good” sa pagsisigurong walang pamilya ang magugutom.

Samantala, bumaba naman mula “good” ay naging “moderate” ang administrasyon pagdating sa paglaban sa terorismo at pagprotekta sa human rights.

Mula “good” naging “moderate” naman pagdating sa pagharap sa mga rebelde at pagdepensa sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Nananatili namang “very good” ang rating ng administrasyon kung pag-uusapan ang pagsasagawa at maintainance ng public works, rekonstraksyon sa Marawi, pagpapabuti sa kapakanan ng mga OFW at pagtulong sa mga mahihirap.

“Good” pa rin ang rating pagdating sa ‘clear policies, foreign relations, fighting crimes, ensuring an efficient public transportation system, fulfilling commitments in international treaties, reconciling with Muslim rebels and eradicating graft and corruption.’

“Neutral” naman ang rating para sa paglaban sa inflation.

Isinagawa ang survey ng SWS mula June 27-30 gamit ang face-to-face interview sa 1,200 na Pilipino edad 18 pataas. (Kris Jose )