‘Very high’ COVID positivity rate naitala sa 7 probinsya – OCTA

‘Very high’ COVID positivity rate naitala sa 7 probinsya – OCTA

November 21, 2022 @ 2:44 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng “very high” o mas mataas sa 20% na COVID-19 positivity rate ang pitong probinsya sa bansa.

Ito ang sinabi nitong Lunes, Nobyembre 21 ng OCTA Research Group kung saan ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpositibo mula sa mga sinuri sa COVID-19.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ang pitong probinsya na may very high positivity rate hanggang nitong Nobyembre 19 ay ang mga sumusunod:

Isabela (49.4 percent)
Tarlac (37.7 percent)
Camarines Sur (35.2 percent)
Aklan (34.9 percent)
Benguet (24.7 percent)
Misamis Oriental (20.9 percent)
La Union (20.7 percent)

Samantala, sinabi rin ni David na ang positivity rate sa Metro Manila ay halos hindi nagbago mula sa 7.5% nitong Nobyembre 12 na naging 7.6%.

Sa panuntunan ng World Health Organization, inirerekomenda na dapat ay nasa 5% o mas mababa lamang ang positivity rate ng COVID-19 para masabi na nakokontrol na ito. RNT/JGC