‘Very measured, balanced’ approach sa usapin sa SCS target ni PBBM

‘Very measured, balanced’ approach sa usapin sa SCS target ni PBBM

June 17, 2022 @ 4:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Gagawa si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng “very measured and balanced” approach sa usapin ng pinagtatalunang South China Sea (SCS).

Ang  commitment na ito ni Marcos ay kanyang inihayag sa isinagawang meeting sa isa sa limang diplomats, araw ng Biyernes.

Nag-courtesy call kasi sina Ambassadors Jaroslaw Szczepankiewicz of Poland, Borhan Uddin of Bangladesh, Peter Francis Tavita Kell of New Zealand, Folakemi Ibidunni Akileye of Nigeria, at Steven James Robinson of Australia kay  Marcos sa headquarters ng huli sa Mandaluyong City.

Sa  nasabing courtesy call, sinabi ni Robinson na napag-usapan nila ang isyu ng SCS, tiniyak niya kay Marcos  na patuloy na susuportahan ng Australia ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral case  laban sa China, nagbabasura sa pag-angkin ng China sa pinagtatalunang katubigan.

“So, I think the President-elect is going to take a very measured and balanced approach in terms of how he approaches all of these issues to seek the best outcome he can for the Philippines. And I think any pragmatic politician would do exactly the same — to try and work out how do you get the best for your country in difficult circumstances. And that’s what I’m anticipating from the President[-elect],” ayon kay Robinson.

Ipinarating din ni Robinson kay Marcos ang  commitment ng Australia na suportahan ang Pilipinas “as it goes forward dealing with difficult regional issues.” Kris Jose