Studes na nagpadala ng bomb threat sa isang paaralan sa QC nadakip

January 27, 2023 @8:05 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Iniharap ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Nicolas Torre III, ang estudyante na nagpadala ng ‘bomb threat’ sa pamamagitan ng social media sa kaniyang pinapasukang Ponciano Bernardo High School sa Quezon City, kahapon.
Kinilala ni Cubao Police Station 7 station commander, PLt. Col. Joseph Euje Almaquer ang nadakip na suspek na si Elfrank Emil Anthony Bacle Kadusale, 22 anyos, Grade 8 student ng Alterntive Learning System (ALS) at residente ng Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Q.C.
Sa pamamagitan ng QCPD Anti-Cybercrime Team (QCACT), natunton ang pinagmulan ng bomb threat sa FB page messenger ng Ponciano Bernardo High School noong Enero 26, mula sa account ng isang Bob Key Ser Panganiban.
Nang komprontahin ito ng mga guro, itinanggi ng may-ari ng account na siya ang nagpadala ng mensahe at saka niya naalala na nalimutan niya noong mag log-out sa kaniyang FB account nang hiramin umano ni Kadusale ang kaniyang cellphone.
Nang isailalim na sa pagtatanong ng QCPD ang suspek, sinabi nito na “joke” o isang pagbibiro lang ang kaniyang ginawa.
“Our QCPD Anti-Cybercrime Group is equipped with state-of-the-art technology and we will track down anyone behind these bomb scares that could cause disruption and danger to our communities,” babala ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III.
“I warned the public to refrain from posting or making bomb jokes dahil ito ay may karampatang kaparusahan. Maging leksyon sana ito sa ating kababayan na iwasan ang ganitong bagay dahil wala naman itong madudulot na maganda bagkus ay magiging dahilan pa ito ng kaguluhan sa ating mamamayan,” dagdag pa ng heneral.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa P.D. 1727 o Anti-Bomb Joke Law na may kaugnayan sa Section 6 ng R.A. 10175 o Anti-Cyber Crime Law at Robbery Extortion, dahil sa panghihingi umano ng halagang P100,000 para hindi ituloy ang pagpapasabog sa paaralan.
Una dito binalaan ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga naglalabas o nagpapakalat ng mga false bomb threat kasunod ng pagkagambala kamakailan ng mga klase sa New Era Elementary School, Emilio Jacinto High School, San Francisco High School at Ponciano Bernardo High School.
“We will go after those who spread false information or pranks about bomb threats. Our schools are supposed to be a safe place for our students, and we will not take these pranks and threats lightly,” ayon kay Belmonte sa ginanap na consultation meeting sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD).
Nanawagan din ang alkalde sa Konseho ng Lungsod na gumawa ng ordinansang nagsasaad ng mas mabibigat na parusa o multa sa sinumang magpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga bomba o pampasabog. Jan Sinocruz
Misis kinatay ng selosong mister sa araw ng anibersaryo

January 27, 2023 @8:01 PM
Views: 11
Bulacan – Patay ang isang 33-anyos na babae matapos saksakin ng kainuman at nagselos na mister sa kasagsagan ng selebrasyon ng kanilang anibersaryo sa bayan ng Obando.
Kinilala ang kalunos-lunos na biktimang si Louvelle, habang ang suspek ay nakilalang si Alfredo Matias, 40, construction worker , kapwa residente ng Brgy. Paliwas.
Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas -9 ng gabi nitong Enero 22 sa Rosal st. Brgy. Paliwas.
Ayon sa report, sa kasagsagan ng iinuman ang mag-asawa kasama ang dalawa pang kaibigan nang magkaroon sila nang mainitang pagtatalo.
Dahil dito, kumuha ng kutsilyo ang suspek at walang kaabog-abog na sinaksak sa dibdib ang kanyang asawa.
Agad dinala sa Valenzuela Emergency Hospital ang biktima para sa paunang lunas subalit patay na ito.
Nahuli naman ang suspek na nahaharap sa kasong Homicide habang nakakulong sa naturang istasyon.
Sinasabing dahil sa sobrang kalasingan ay nagbubunganga umano ito at nagpilit lumabas ng bahay kaya ito sinaksak ng mister niyang nagseselos sa isa nilang katoma. Dick Mirasol III
Manila LGU nanawagan sa mga pasaway na trike driver

January 27, 2023 @7:43 PM
Views: 17
MANILA, Philippines – Nanawagan ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan.
Sa pagdalo ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto nitong Biyernes ng umaga sa muling paglulunsad ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto ng Dapitan at Don Quijote Streets, Sampaloc, sinabi nito na hihilingin niya kay Mayor Honey Lacuna-Pangan na bigyan pa ng palugit ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) para ayusin ang kanilang dokumento upang makakuha ng prangkisa, pati na rin maging ang kanilang lisensiya sa pagmamaneho.
Aminado ang bise alkalde na maraming pasaway na tricycle driver sa lansangan na hindi sumusunod sa batas trapiko para lamang mapabilis ang paghahatid nila ng pasahero.
Dahil dito, nanawagan si Vice Mayor Yul Servo sa mga tricycle driver na ayusin na ang mga kinakailangang dokumento dahil ito naman ang kanilang pinagkakakitaan para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.
“Kaya mga kababayan, mga batang Maynila, huwag ng kayong pasaway. Kung kailangan ninyong kumuha ng lisensiya, kumuha na kayo, kung kailangan ninyong magpa-rehistro ng inyong tricycle, iparehistro nyo para hindi kayo nagagambala kasi isang araw lang na hindi kayo makapagtrabaho, ang laking perhuwisyo na sa inyo yun,” panawagan ni Vice Mayor Yul.
Gayunman i onahagi naman ng bise alkalde na may ilang mga trike drivers ang nakakapagpatapos ng pag-aaral sa kanilang mga anak na kalaunan ay nagiging matagumpay na doktor o arkitekto habang ang iba naman ay minamana lang ng kanilang mga anak ang kanilang trabaho.
“Yung mga kababayan natin na nasa ganoong sitwasyon, dapat i-improve din natin ang pamilya natin para sa atin ding mga anak. Kasi meron naman tayong libreng eskuwelahan, meron tayong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) meron tayong Universidad De Manila (UDM), me 100-plus tayong paaralan para sa elementarya at high school,” dugtong pa ng bise alkalde.
Nauna rito, dumaan muna sa muling paglulunsad ng Balitaan sa Tinapayan si Mayor Honey Lacuna-Pangan upang dumalo sa pagbabasbas at pangunahan ang ribbon cutting ceremony bago umalis patungo sa kanyang naunang pinangakuang kaganapan. JAY Reyes
2 pugot na ulo lumutang sa Manila Harbor Complex

January 27, 2023 @6:25 PM
Views: 27
MANILA, Philippines – Natagpuan habang palutang-lutang sa Manila Bay sakop ng Manila Harbor Complex ang dalawang ulo at kaliwa’t kanang paa nitong Biyernes ng umaga, Enero 27.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas-9 ng umaga nang madiskubre ang palutang-lutang na kulay puting sako sa nasabing baybayin.
Hinihinala ng pulisya na itinapon sa ibang lugar ang mga biktima at napadpad lamang sa Manila Bay.
Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay nito upang malaman ang totoong nangyari sa mga biktima.
Pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue habang patuloy na inaalam kung nasaan ang iba pang parte ng katawan ng dalawang biktima na wala pang pagkakakilanlan dahil nasa state of decomposition na nang sila ay matagpuan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P500K pork products nasabat sa Negros Occidental

January 27, 2023 @4:02 PM
Views: 37