Vhong, masama ang loob sa mga kaibigan!

Vhong, masama ang loob sa mga kaibigan!

September 30, 2022 @ 12:55 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay naka-detain pa rin ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro sa NBI habang pino-process pa ng kanyang legal team ang hinihingi nilang motion to grant bail sa Taguig court.

Sa totoo lang, nakakaburyong ang kalagayan ni Vhong sa detention center habang tumatagal ang pagkakakulong.

Hindi rin maiwasang maging emosyunal at sentimental ang host sa ilang mga kaibigan.

May balitang masama daw ang loob ni Vhong  sa ilang showbiz friends na dinededma ang kanyang kalagayan sa ngayon. Hindi naman diumano tungkol sa pinansiyal ang tinutukoy ng It’s Showtime host, kundi ‘yung  kumustahin at magparamdam lang sana ng concern sa kanyang pinagdaraanan sa ngayon.

Sabi ng isang online news, binalewala daw si Vhong ng mga dati at pinagkakatiwalaang kaibigan.

Kung tutuusin, maliban sa pera, mas kailangan ni Vhong ang legal assistance para may makatuwang  ang kanyang abogadang si Atty. Alma Mallonga sa pagbabalangkas kung bakit naungkat muli ang kaso niya na dati nang ibinasura ng Court of Appeals.

Sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi, sey ng talent manager-vlogger, “Alam ko meron pa siyang hiningan ng tulong, nagbabakasakali siya na matulungan siya.”

Dagdag niya, “Sinagot naman daw si Vhong ng isa niyang kaibigan na hiningan  niya ng tulong subalit ipinasa raw siya sa iba.”

Noong mag-follow-up daw muli si Vhong, hindi na raw siya nireplayan ng nasabing kaibigan.

“Seen lang,” ani Ogie.

Ayon pa kay Ogie, sa isang sitwasyon kung saan nangangailangan  ng tulong ang isang kaibigan  ay doon mo rin makikita kung sino ang tunay.

“Hay naku, siyempre, doon mo mati-test  ‘yung mga tunay mong kaibigan  sa panahong kailangang-kailangan mo sila,” dagdag pa ni Mama Ogs. Ador Saluta