Vhong, masaya sa desisyon ng korte

Vhong, masaya sa desisyon ng korte

July 28, 2018 @ 12:38 PM 5 years ago


Ikinatuwa ng TV host-actor na si Vhong Navarro ang naging desisyon ng korte sa kasong isinampa niya laban sa negosyanteng si Cedric Lee.

Lumabas kasi sa Metropolitan Trial Court ng Taguig  na guilty sa grave coercion case, sina Lee at iba pang mga akusado na sina Deniece Cornejo at Jed Fernandez.

Pero sa kabila nito ay muli siyang nangamba dahi naalala niya ang mga pinaggagawa sa kanya noong 2014 gaya ng pananakit, pananakot, pagbabanta sa kanyang pamilya, kasama na ang pagtutok sa kanya ng baril at pagpirma sa isang bagay na hindi naman niya kagustuhan.

Mas matatahimik daw siya kung maipapasok na sa kulungan ang mga gumawa sa kanya ng pananakot at pananakit.

Nasa Los Angeles ang ‘Totoy Bibo’ hit singer para sa “It’s Showtime” nang ilabas ng korte ang desisyon.

Sa ngayon ay inaantay pa ang desisyon sa dalawa pang kasong isinampa ng 41-year-old na aktor laban kina Lee. (Remate News Team)