Vhong, nagbalik na sa normal ang buhay!

Vhong, nagbalik na sa normal ang buhay!

March 14, 2023 @ 10:30 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Maaari nang magbunyi ni Vhong Navarro!

Ito’y matapos ibasura ng Kataas-taasang Hukuman ang mga kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host-comedian.

Ang 41-pahinang desisyon ng Supreme Court ay inilabas nitong Lunes.

Partikular na pinagbasehan ang tatlong sinumpaang salaysay o sworn statement ni Deniece kaugnay ng magkahiwalay na insidente nang gabi noong January 17 at January 22, 2014.

Kinakitaan ng glaring inconsistencies ang tatlong salaysay ni Deniece.

Tinawag ng hukuman na “manifestly inconsistent, highly deficient, unclear and doubtful” ang kuwento ni Deniece na ginahasa siya ni Vhong.

Malinaw rin daw ang mga dagdag-bawas sa mga pahayag ni Deniece.

Sinalungat ng Supreme Court ang naging desisyon ng Court of Appeals.

Kasiyahan naman ang naramdaman ni Atty. Alma Mallonga nang iparating ng PEP ang naging desisyon ng Supreme Court.

Matatandaang kusang loob na isinuko ni Vhong ang kanyang sarili noong September 2022.

Inapela naman ng kampo ng aktor na makapagpiyansa ito para makapiling ang pamilya noong Kapaskuhan.

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon mula kay Vhong.

Pero tiyak na ikinatuwa niya ito maging ang mga katrabaho niya sa It’s Showtime.

Balik-normal na uli ang buhay para kay Vhong who’s a free man now. Ronnie Carrasco III