Vhong, nakakulong na sa city jail!

Vhong, nakakulong na sa city jail!

November 24, 2022 @ 2:50 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Nailipat na sa ordinaryong kulungan, sa Taguig City Jail, ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro matapos na maglabas ng commitment order ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 na mailipat na ng detensyon ang aktor sa utos na rin ng NBI-Security Management Section noong Nob. 14. Sinamahan ng kanyang asawang si Tanya Garcia-Navarro si Vhong habang inililipat ito sa kulungan kasama ang ilang NBI escorts.

Nakadetine na sa ngayon sa male dormitory ng BJMP Taguig City Jail si Navarro makaraang lumabas na ang kanyang medical examination at negatibong RT-PCR test results.

Unang na-detain sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vhong subalit pinaboran ng korte ang hiling ng compalinant na si Deniece Cornejo dahil ayon sa modelo, sa Taguig naisampa ang kasong rape laban sa aktor at nararapat lamang daw na sa Taguig City Jail siya makulong. Ador Saluta