Vhong Navarro, napatawad na ba sina Cedric Lee, at Deniece Cornejo?

Vhong Navarro, napatawad na ba sina Cedric Lee, at Deniece Cornejo?

August 5, 2018 @ 4:30 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Relieved ang expression sa mukha ni Vhong Navarro pagkatapos mahatulan na guilty sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na kanyang isinampa laban sa mga ito.

Nailabas ng Metropolitan Trial Court Taguig Branch 74 ang desisyon laban sa tatlong akusado noong July 27, 2018.

“Halos maglilimang taon na rin,” Vhong asseverated at the presscon of the movie he did with lovely Winwyn Marquez Unli Life. “Kumbaga, at least, nagkaroon tayo ng hinga.

“Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko.”

But has he given them his forgiveness?

“Kasi, sabi ko nga uli, ako naman willing magpatawad kung ang tao ay pinagsisihan kung ano ang ginawa.

“Kasi mahirap magpatawad kung ang tao, e, hindi pa rin sila… may galit pa sila, hindi pa rin sila humihingi ng tawad.

“Kumbaga, nakakapag-move on na tayo kahit papa’no, pero pag nababalik uli run sa mga balita…

“Hangga’t maaari nga, hindi na ako nanonood ng balita, hindi na ako nagbabasa ng diyaryo.

“Pero kung babalikan natin, parang natitigil ako’t sumasariwa sa akin ang mga pangyayari.”

Sang-ayon kay Vhong, he has undergone therapy because of the deep seated trauma he was able to experience.

DAPAT LANG!
PETE G. AMPOLOQUIO, JR.