Vhong Navarro pinayagang makapagpiyansa

Vhong Navarro pinayagang makapagpiyansa

December 6, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang makakalaya ang Television host na si Ferdinand “Vhong” H. Navarro.

Ito sy matapos pumayag ang Taguig City regional trial court (RTC) na makapagpiyansa si Navarro na nahaharap sa rape case na isinampa ng model na si Deniece Millinete Cornejo.

Batay sa inilabas na order ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan of Taguig City RTC Branch 69, sinuri nang maigi ang documentary at testimonial evidence na iprinisinta sa petition for bail. Nakita ng korte na nabigo ang prosekusyon na patunayan na malakas ang “guilt” ng akusado.

Itinakda ng korte ang bail sa P1 milyon.

Sa sandaling mailagak ang P1 milyon na piyansa at maproseso na ang mga dokumento ay maaaring makalaya pansamantala ang aktor. Teresa Tavares