Vhong sumuko na sa NBI, sumailalim sa finger printing, mugshot

Vhong sumuko na sa NBI, sumailalim sa finger printing, mugshot

September 19, 2022 @ 3:44 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumailalim sa proseso sa National Bureau of Investigation (NBI) ang TV host na si Vhong Navarro makaraang personal na sumuko ngayong Lunes, Setyembre 19 sa nasabing tanggapan sa Quezon City.

Kasama rito ang finger printing, mugshot at pagkuha ng kanyang personal na detalye.

Ito ay matapos na magpalabas ang Taguig Metropolitan Trial Court – Branch 116 ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo.

Pagkatapos ng proseso ay tutuloy ang mga dokumento sa korte para naman sa pagbabayad ng inirekomendang piyansa na P36,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ayon sa abodago ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga, na sila ay tatalima ngayong maghapon at kumpiyansa silang mabibigyan ng piyansa si Navarro .

“We are going to comply within the day. We are confident that Mr.Navarro will be granted bail,” ayon sa legal counsel ng TV host.

Sinabi ni Mallonga na ang kanyang kliyente ay patuloy na lalaban upang patunayan ang kanyang pagiging inosente kung saan suportado ng CCTV footage sa elevator sa araw na umanoy nangyari ang insidente.

Matatandaan na nakuha rin ng NBI ang CCTV footage noong 2014 at sinabi Ng ahensya na suportado nito ang pahayag ni Navarro na binugbog siya ng anim na lalaki sa condominium ni Cornejo Kaya pinabulaanan ang paeatamg laban sa TV host.

“Hindi ako nawawalan ng pag-asa Kasi nandito yung legal team ko, nandito ‘yung family ko, nandito yung asawa ko. Ang Panginoon kasama ko dito sa laban na ‘to,” pahayag pa ni Navarro.

Pinasalamatan din nito ang kanyang mga kaibigan at taga suporta na patuloy na sumusuporta at nanalangin para sa kanya at tiwala siya na maipapanalo niya ang kaso.

Sinabi ni Navarro na tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa kanyang full time program. Jocelyn Tabangcura-Domenden