Vic Rodriguez pinatalsik sa partido ni PBBM

Vic Rodriguez pinatalsik sa partido ni PBBM

November 23, 2022 @ 7:26 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Pinatalsik mula sa pwesto ng Partido Federal ng Pilipinas si dating Executive Secretary Vic Rodriguez.

Ang PFP ay partido ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa pahayag, ang desisyon ay nitong Nobyembre 11 kung saan pinatalsik si Rodriguez dahil sa iba’t ibang mga dahilan katulad ng “incompetence as a public servant, conduct inimical to the interests of the party, abuse and breach of trust and confidence reposed on him by the President and the party, abandonment, and disloyalty.”

“The decision found that no single original PFP official, coming from the party of the President, was recommended by Rodriguez to be appointed to any position in this administration, notwithstanding that he is the Executive Secretary or ‘Little President’ thru whom all appointments pass thru,” dagdag pa ng Partido.

Dahil dito ay wala na umano silang nakikitang dahilan upang manatili si Rodriguez sa kanilang hanay.

“Hence, the party found no useful purpose to maintain its association with the respondent.”

“My loyalty to Partido Federal ng Pilipinas ends where the interest of the 31.6 million Filipinos who believed in us during the campaign, and my loyalty to the Republic of the Philippines begins,” naging tugon naman ni Rodriguez kaugnay ng naturang aksyon ng PFP.

“I could not, in conscience, during my time as executive secretary, let a non-qualified applicant be appointed to the administration of PBBM simply because he or she is a member of PFP,” dagdag pa.

Sa impormasyon, ilang mga opisyal ng partido mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang naghain ng reklamo ng korapsyon kaugnay ng pagkakatalaga dito ng Pangulo.

Nabigyan naman ng kopya ng reklamo si Rodriguez ngunit tumanggi na lang itong magsalita.

Kasunod nito ay itinalaga ng PFP si Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo bilang bagong executive vice president ng partido.

Nilinaw naman na walang bahagi si Marcos sa desisyong ito ngunit naipaalam na sa kanya ang disciplinary action laban kay Rodriguez na hindi naman kinontra. RNT/JGC