Vic Sotto pinagda-diet si Baby Tali?

Vic Sotto pinagda-diet si Baby Tali?

October 7, 2018 @ 11:38 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ipinahayag ni Vic Sotto na nagda-diet na nga ang kanyang anak kay Pauleen na si baby Tali dahil sa sobrang timbang nito para sa kanyang edad.

Pinaka-challenging daw sa kanyang daddy duties ay ang pagbuhat dito.

“Isa lang naman ang problema ko sa duties ko sa kanya, pagbuhat. Sumasakit ang likod ko. Ang timbang niya, pang-ten year old na yata.”, pagbibiro niya pa.

“As a matter-of-fact, nagda-diet na siya. Tuwing dadalhin sa pedia, nagagalit yung pedia. ‘O, lumaki na naman to. Puwede ba tigilan niyo na ang formula. Kalahati i-fresh milk niyo na”, kwento ni bossing.

Ibinahagi rin ng Eat Bulaga host na nahihirapan silang mag asawa na iwan ang anak tuwing may out of town and out of the country sila kaya naman sinasama rin nila ito. Kabilang sa mga lugar na kanilang napuntahan kasama si baby Tali ay ang Cebu, Siargao at maging sa Hong Kong.

“Pero kasi, ang hirap iwanan. There was a time na nagpunta kami ni Pauleen sa London. Sinama kami ni Mr. Tuviera. Iniwan namin siya ng mga ten days, ang hirap!”

Nag-eenjoy naman daw si daddy bossing na may baby sa bahay.

“Oo, e, medyo matagal-tagal na. My youngest [before Tali] is 26 or 27. So it’s been a long time. Although, buti na lang dahil hindi mahirap na bata. Hindi kagaya ng ibang naririnig ko na every two hours gigising, hindi mo mapatahan.”

Samantala mag-iisang taon na si baby Tali sa November 6. (Remate News Team / Clarissa Haciñas)