Vice, bet nang magka-anak ng baby girl!

Vice, bet nang magka-anak ng baby girl!

January 25, 2023 @ 3:30 PM 6 days ago


Manila, Philippines – Kung noon ay alumpihit siya magkaroon ng anak whether biological or non-biological, ngayon ay willing na si Vice Ganda to pursue having a child by surrogacy.

Ipinaliwanag muna ng TV host-comedian kung bakit ayaw niya noong una.

“Ayoko kasing maranasan ng magiging anak ko ang social injustice o discrimination,” aniya sa vlog ni dating Manila City mayor Isko Moreno.

Pero nagbago na ngayon ang mindset niya.

Malaking contributing factor daw ang pagkakaroon ng partner sa katauhan ni Ion Perez.

Magiging ganap daw ang kaligayahan niya pag meron silang anak.

Kung papipiliin daw, baby girl ang gusto ni Vice Ganda.

Naiimadyin na niyang inaayusan niya ito.

Ito ang dahilan kung bakit inalam niya mula kay Joel Cruz ang proseso ng surrogacy.

May walong anak ang kilalang perfume tycoon na isinilang by surrogacy.

Napag-alaman ni Vice Ganda na aabot nang lima hanggang siyam na milyong piso ang magagastos niya sa nasabing proseso.

Kasama na rito siyempre ang biyahe sa Amerika kung saan isasagawa ang proseso.

Ang problema nga lang daw aniya ay ang kawalan niya ng oras dahil sa dami ng kanyang ginagawa.

Matatandaan ding isa ang dating manager ni Vice Ganda na si Ogie Diaz sa mga unang kumumbinsi sa kanya na mag-anak.

Pero consistent ang TV host sa pag-ayaw. Ronnie Carrasco III