Vice Ganda at Idol Season 1 winner, tinapos na ang isyu!

Vice Ganda at Idol Season 1 winner, tinapos na ang isyu!

October 23, 2022 @ 11:18 AM 1 month ago


Manila, Philippines – It takes even a casual talk to set the record straight.

Ito ang kapwa napagtanto nina Vice Ganda at Idol Philippines Season 1 grand winner na si Zephanie Dimaranan.

Nagbunga ng maganda ang pagpapang-abot ng dalawa sa birthday party ng talent manager na si Perry Lansigan.

Matatandaang kinunek ng mga netizen kay Zephanie ang parinig ni Vice Ganda bilang payo sa susunod na Idol winner.

Ayon sa TV host, manatili raw muna ito sa ABS-CBN.

The netizens believed that Vice Ganda’s advice was addressed to Zephanie na ngayo’y nasa GMA na.

Valid naman ang desisyon ng bagitong singer sa kanyang paglipat dahil inabutan siya ng pandemic at wala raw gaanong trabaho sa ABS-CBN.

At the party, unang lumapit si Zephanie at bumeso kay Vice Ganda.

Nagulat nga raw ang TV host dahil may isyu sa kanila, na sinang-ayunan naman ni Zephanie.

Ang hindi kasi alam ng tao, si Zephanie ang ipinaglaban ni Vice Ganda who stood us Idol Season 1 judge.

‘Yun nga lang, Vice Ganda’s advice wasn’t taken well.

Binatikos ang TV host dahil hindi nga raw nito kailangang magtrabaho dahil mapera na ito.

Hindi raw katulad ni Zephanie na bukod sa pinag-aaral ang kanyang sarili ay breadwinner pa ng pamilya.

That settles the issue. Ronnie Carrasco III