Vice Ganda at Ion, nag-donate ng P500K sa mga biktima ni Odette!

Vice Ganda at Ion, nag-donate ng P500K sa mga biktima ni Odette!

January 14, 2022 @ 8:18 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Sa napaka-expensive at sosyal na world-class resort na Amanpulo sa Palawan nagpa-New Year party si Vice Ganda para sa pamilya n’ya, sa boyfriend n’yang si Ion Perez, at ilang kaibigan nila.

Ibinando ng It’s Showtime host nu’ng January 10 ang mga naging aktibidad nila sa isla sa Vice Ganda Network n’ya sa YouTube. Siyempre pa, nag-viral kaagad ang vlog ni Vice.

Pero ayaw n’ya sigurong matarayan sa pagpapasosyal n’ya sa panahon ng pandemya at pagdurusa ng mga nasalanta ng bagyong Odette kaya nu’ng Lunes ay nag-pledge si Vice, pati na raw si Ion, ng P500K na donasyon sa benefit online concert ni Regine Velasquez para sa mga nasalanta ng bagyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ang mga kasama nina Vice at Ion sa Amanpulo (na “lihim” na pinupuntahan maski ng Hollywood celebrities) ay ang Nanay Rosario niya, dalawang kapatid, ang assistant niya na si Jacque, at ilang kaibigan (walang banggit kung gaano karami).

Ipinakita sa vlog ang pagsakay nila ng chartered plane mula sa Paranaque hanggang sa selebrasyon ng paghihiwalay ng taon, ang bonggang fireworks ng resort, at New Year dinner kung saan bumaha ng pagkain at alak.

Report ng ABS-CBN News website: “Vice’s contingent enjoyed such activities as snorkeling and fish feeding, beach volleyball and dodgeball, and appreciate the breathtaking view as they rested and relaxed in the resort island.

“We also witness those amusing yet thrilling kilig moments of the lovebirds Vice and Ion, from embarking on the chartered plane to chasing each other on the beach.

“There were also those touching and memorable bonding moments of Vice and Nanay Rosario and siblings, wherein we see how the Phenomenal Box Office Star truly treasures and loves them.”

Samantala, naiulat din nu’ng Lunes na nu’ng Linggo ng gabi ay nanood sina Vice at Ion ng opening ng 10-night fundraising concert ni Regine na” “By Request.”

Nag-request nga si Vice na kantahin ng idolo n’yang si Regine ang “Follow the Sun.” Pabirong sumagot ang Songbird of Asia na gagawin n’ya ‘yon kung magdo-donate si Vice ng at least P100K. Pumayag ang milyonaryang superstar comedian.

Ulat pa rin ng ABS-CBN News: “A few moments later, host Darla Sauler announced that Vice Ganda, as well as her partner and fellow It’s Showtime mainstay Ion Perez, have pledged to donate five times that amount — P500,000.”

Ang lahat ng kikitain ng “By Request” ay ite-turn over sa “Tulong-Tulong sa Pag-ahon” campaign ng ABS-CBN Foundation, na nakalikom na ng P58 million in cash and P9 million in kind. Idi-distribute ang mga ito sa 66,000 families na apektohan ng bagyo.

Ayan, ha, huwag isiping nagpapasasa lang si Vice at ‘di nagsyi-share ng kanyang milyon-milyong blessings. Danny Vibas