Vice Ganda at James, out bilang hurado sa Idol Philippines!

Vice Ganda at James, out bilang hurado sa Idol Philippines!

May 24, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Out sina Vice Ganda at James Reid bilang mga hurado ng Season 2 ng Idol Philippines.

Matatandaang sila ang nasa original panel of judges along with Regine Velasquez and Moira de la Torre.

Bale ang pumalit kina Vice Ganda at James ay sina Gary Valenciano at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Para sa impormasyon ng lahat, inialok na si Chito na maging judge sa unang season nito.

Nag-decline si Chito dahil aniya, wala raw siyang karapatang mag-judge dahil hindi raw siya magaling na mang-aawit.

Pinagpaliwanagan naman siya ng produksyon na hindi porke judge ay kailangang maging mahusay na singer.

Pangkalahatang pakete raw ng contestant ang tinitingnan dito, hindi lang ang vocal skills.

Wala namang ibinigay na dahilan ang ABS-CBN kung bakit hindi na nila kinuha si James bilang judqe.

As for Vice Ganda, mukhang may nilulutong proyekto ang network sa kanya.

Sinusugan naman ni Moira ang layunin ng search that is, para makatulong sa pagtupad ng mga pangarap ng lalahok dito.

Hindi pa definite ang airing date ng Season 2 ng Idol Philippines. Ronnie Carrasco III