Vice Ganda, bagong member ng Army!

Vice Ganda, bagong member ng Army!

February 23, 2021 @ 7:53 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Miyembro na si Vice Ganda ng BTS ARMY, ang global fans club ng BTS, ang K-Pop boyband na itinuturing na pinakasikat sa buong mundo.  Kinumpirma ito ng TV host sa kanyang Twitter.

Aniya sa dalawang magkasunod na tweet: “I AM SO HAPPY! I found an extra source of happiness.

“Nahihiya ako sa mga ARMY. Bago pa lang akong super faney ng BTS and wala pa kong masyadong alam kaya ayokong magpakafeelingera na ARMY ako. Pero thankful ako ng severe sa mga nagwewelcome sakin. Ang saya pala talaga ‘no! Chugug!”

Masayang tinanggap si Vice ng mga ARMY sa Pilipinas at sa ibang bansa. Dumagsa rin sa Twitter ang mga tweet ng pagwe-welcome sa kanya.

Sinagot naman sila ni Vice ng: “I PURPLE YOU!”

Purple ang kulay ng pagmamahal ng mga ARMY at ng BTS mismo.

Malamang ay maibalita sa entertainment website sa South Korea ang pagsali ni Vice sa ARMY, gaya ng pagtatapat ni Lea Salonga na nakatulong sa pananatili ng mental health n’ya ang paghanga niya sa BTS at pagsali sa ARMY.

May ulat din ng posibleng madagdagan pa ang 13.9 million followers sa Twitter ni Vice Ganda dahil ipa-follow na rin siya ng mga miyembro ng ARMY sa iba’t ibang panig ng mundo. Danny Vibas


  •  
  •  
  •