Vice Ganda, inalmahan ang nag-react na teacher sa ‘Yormeme’ joke!

Vice Ganda, inalmahan ang nag-react na teacher sa ‘Yormeme’ joke!

March 3, 2023 @ 7:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Nag-react ang isang netizen at teacher kay Vice Ganda sa sinabi nitong ‘Yormeme’ sa programang It’s Showtime, kamakailan lamang.

Ani Vice, ang nasabing Yormeme joke ay para sa mga estudyanteng ‘di makapag-recite kapag tinawag ng teacher na sumagot sa klase. Ito ay isang joke.

Paliwanag ni Vice sa teacher, “Ang Yormeme joke ay nakagawian na sa programa at hindi ito tunay na karakter o katauhan. Ang Yormeme joke sa nakaraang episode ay ang pagtawag ng teacher sa estudyante na hindi naman nagtataas ng kamay kung may recitation.”

Hindi naman daw dapat sineseryoso ang kanyang Yormeme joke sa It’s Showtime.

Ani Vice, “Tama naman. Matatalino po ang pagkakalahad ng kuwento ninyo,” aniya sa teacher.

Patuloy pa ni Vice, “Mukhang alam na alam niyo po ang sinasabi niyo. Hanga po ako. ‘Yun nga lang po at baka ‘di niyo alam na ang Yormeme ay isang RUNNING JOKE.

Lahat po ng sinasabi ni Yormeme ay mali.

Si Yormeme ay isang huwad na na karakter po lamang,” mensahe ni Vice. Ador Saluta