Vice Ganda, nagpaliwanag sa hindi pagsipot sa It’s Showtime!

Vice Ganda, nagpaliwanag sa hindi pagsipot sa It’s Showtime!

October 17, 2022 @ 9:36 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ngangaragan na ang shooting ng It’s Showtime host Vice Ganda para sa entry niya sa paparating na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre, ang “Partners In Crime”, with Ivana Alawi.

Ayon sa isang source, nasabihan na raw si Vice tungkol sa deadline o submission ng mga entries kaya maayos naman itong nagpaalam sa management na babalik din siya sa It’s Showtime kapag natapos na ang iba nitong commitment.

“Ang daming labada,” ani Vice na ang kahulugan ay madaming trabaho.

Ayon naman sa isang insider ng It’s Showtime, may consent ang management sa halos isang linggo nang ‘di pagsipot ng Unkabogable star sa kanyang noontime show.

Hindi rin daw isyu sa kanyang mga co-host ang palaging late ni Vice.

Gaya ng kanyang panayam, ang daming labada at mga sinampay na dapat niyang pag-ukulan ng pansin kasama na ang commercial o endorsement shoot at ang weekly taping nito ng isa pa niyang programa, ang “Everybody Sing”. Ador Saluta