Vice Ganda, napaiyak sa contract signing!

Vice Ganda, napaiyak sa contract signing!

February 18, 2023 @ 12:48 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Naging emosyonal si Vice Ganda sa kanyang panibagong contract signing na ginanap sa ABS-CBN nitong Wednesday, February 15.

Sa isang episode ng It’s Showtime, ipinaliwanag ni Vice kung bakit siya emotional and sentimental sa pagri-renew ng kanyang kontrata sa Kapamilya.

“Doon na ako naiyak, nung sinabi kong 14 years, ang hirap nu’n ah? Doon tumulo na ‘yung luha ko. Pero totoo naman, jusko. Marami po kayong hindi alam na nangyayari sa programang ito na pinagsasalu-saluhan naming lahat,” ani Vice.

Hindi makakalimutan ng Unkabogable Star ang 13 years na pinagdaanan ng kanilang It’s Showtime show and he is glad that he is able to go through with it with his It’s Showtime family.

“Kaya kung inaakala niyo na alam niyo na lahat, hindi po. Ang dami naming pinagdadaanan pero ang pinakamasaya, pinagdadaanan namin together, magkakakampi tayo, pinagdadaanan natin ‘yun as a family kaya mas tumitibay tayong lahat kapiling po ninyo.

“Ang sarap-sarap po. Ang sarap na mag-look back and mag-look forward together. Maraming-maraming salamat po. Ang sarap sa pakiramdam.”

Sa kanyang pahayag, lubusan ang pasasalamat ni Vice sa ABS-CBN that has been his home for many years.

“Ang sarap pagdaanan nung mga napagdaanan ko dito sa bahay ko. Masarap siya. Nakakatao. Nakakabuo. Nakakahina. Nakakalakas. Nakakatalino. Nakakaganda,

“Sobrang daming nangyari sa aking paglalakbay sa industriya dito sa ABS-CBN. Ang swerte-swerte ko lang na 2023 na nandidito pa rin ako at nakapostura at pumipirma ng kontrata,” ani Vice.

Ngayong 2023, nakatakdang mag-celebrate ang It’s Showtime ng kanilang 14th year.

“Ang hirap nung 14 years na ‘yun. Sobrang hirap. Pero gusto ko ‘yun. Ipinagpapasalamat ko ‘yung hirap na ‘yun. Ang laki nung iginanda ko sa hirap na ‘yun. Ang laki ng iginanda ko. Ang laki ng iginanda ng pamilya ko. Ang laki ng iginanda ng mga malalapit sa ‘kin,” pahayag ni Vice. Ador Saluta