Vice Ganda, sinupalpal sa network loyalty!

Vice Ganda, sinupalpal sa network loyalty!

September 23, 2022 @ 9:00 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Sa halip na i-appreciate ang advice ni Vice Ganda para sa Idol Philippines Season 2 winner ay pinutakti siya ng pamba-bash.

Si Khimo Gumatay ang tinanghal na biggest winner ng Idol Ph.

Payo kasi ni Vice Ganda bago ang grand finals nito, manatili muna sa ABS-CBN at saka na lang lumipat pag sikat na at meron nang napatunayan.

Pasaring daw ‘yon sa Idol Ph Season 1 winner na si Zephanie na nasa GMA na ngayon.

Marami tuloy ang dumepensa para kay Zephanie.

Ano raw ba ang dahilan nito para manatili sa ABS-CBN gayong nakatengga ito’t tila walang plano ang network sa kanya?

Nasasabi lang daw ba ni Vice Ganda to stay with the network dahil mapera ang TV host?

Bakit, ang TV host daw ba ang nagpapakain sa pamilya ni Zephanie na isang breadwinner?

Kung tutuusin, ang isyu ng network loyalty ay hindi lang angkop sa kaso ni Zephanie.

Ilan na raw ba ang mga artista mula sa ABS-CBN ang lumipat ng ibang tahanan?

Ito ‘yung mga artistang matagal na sa larangan at nakagawa na ng malaking pangalan.

Sila rin ang mga personalidad na meron nang mga naipundar yet opted to leave ABS-CBN in favor of other networks.

Dapat daw maintindihan ni Vice Ganda that not everything is about network loyalty.

May law of economics din daw.

Nasasabi lang daw ni Vice Ganda ang kahalagahan ng network loyalty dahil paldo ang bulsa niya.

May point nga naman. Ronnie Carrasco II