Vice, ibinuking na retokada si Kim!

Vice, ibinuking na retokada si Kim!

December 12, 2021 @ 10:03 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Nakakatuwa ang reaksyon ni Kim Chiu nang muli na namang siyang pagtripan ng kanyang It’s Showtime co-host na si Vice Ganda sa latest episode ng nasabing noontime variety show kamakailan.

Ito ay kaugnay ng birada ng comedian sa chinita actress hinggil sa “nagpagawa” statement nito.

Sa naturang segment, tinanong ni Kim si Vice kung ano umanong features niya ang gusto niyang kunin sa kanya.

Game namang kumasa si Vice sa question ni Kim.

“Si Kim Chiu… kukunin ko ‘yung mata nito,” sey ni Vice.

“Kaliwang mata tas ‘yung kanan kukunin ko kay Ryan kasi magka-mata kayo,” dugtong niya.

Humirit naman si Kim kay Vice na: “Parang hindi. Parang mas may talukap ako kaysa sa kanya.”

Sa ganting tugon ni Vice, nawindang si Kim dahil ibinuking nito na diumano’y nagparetoke ang actress.

“Kasi nagpagawa ka,” pambubuking ni Vice. “‘Di ko naman sinasadya na makita ‘yung record mo sa Belo,” pahabol pa niya.

Natawa naman ang ilan sa co-hosts nila sa naturang show.

Todo depensa naman ang naging sagot ni Kim na rumesbak na: “Uy, baka maniwala sila.”

Dinaan naman ni Vice ang sagot sa panghihingi ng resibo kay Kim sa pagsasabing: “Nasan na ‘yung picture mo dati sa PBB?”. Archie Liao