Vice mayor ng Sapa-Sapa sa Tawi-Tawi, patay sa pananambang

Vice mayor ng Sapa-Sapa sa Tawi-Tawi, patay sa pananambang

July 11, 2018 @ 7:29 PM 5 years ago


Zamboanga City – Patay ang municipal vice mayor ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi matapos tambangan ng mga di pa nakikilalang riding in tandem kaninang alas-5 ng hapon.

Sa inisyal na impormasyon, galing umano ng mall si Vice Mayor Al Rashid Mohammad Ali nag paulanan ng bala ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng Governor Alvarez sa Zamboanga City.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang natamo ng bise alkalde na naging dahilan ng kanyang agad na pagkasawi.

Si Al Rashid na ang ikalawang bise alkalde at ikaapat na mataas na local official na pinaslang nitong lumipas na linggo.

Refresh lang para sa updates. (Remate News Team)